Thursday, November 27, 2008

bahay!


Hahays! Naghahanap ako ng kanta para ilagay dito sa aking blog. May napansin akong isang awitin na nagpukaw sa aking emosyon sa tunay na kalagayan ng ating bansang Pilipinas, ang bahay na kinompos ni Gary Granada. Walandyo sa tema ang mga liriko na isang makabulohang kanta na tumutokoy sa kasalukuyang kalagayan, at imahi ng ating bansa. Nakakalungkot na isispin na bakit ba ang mga taong namumuno sa ating pamahalaan ay puro pag aaway ang inaatupag patungkol sa kung paano o sino ang nakinabang sa mga nakokorap o naibubulsang salapi ng pamahalaan. Ang ating mga senador at mga kongresman ay naging animoy mga huwes o mga tagalitis sa isang korte, sa nag mistulang pagiging isang hukoman ng ating mataas at mababang kapulungan o ang senate at house of representative sa mga isyong kanilang iniimbistigahan na sa bandang huli'y wala rin namang katuturan.



Madami na ang reklamong isinampa o inimbistigahan sa senado o kaya sa mababang kongreso, subalit lahat ng itoy pawang walang naging katuturan sapagkat sa huli, ay pagbobotohan din kung ito ba ay tinatawag na "substancial in form". Mabuti pa cgurong sumulat ka kay ate Charo, para mailathala na lang sa tv ang iyong kwento at baka sakaling maka recive din ng award ang mga artista sa kanilang galing sa pag arte..hehehehehe. Sa huli sana ay mapagtanto ng ating mga namumuno sa pamahalaan at kanilang maramdaman sa kanilang mga puso ang tunay at wagas na pagsisilbi sa bayan.

Kaya nais ko itong ibahagi ang "BAHAY" ni GARY GRANADA..

BAHAY
Isang araw ako'y nadalaw sa bahay tambakan
Labinglimang mag-anak ang duo'y nagsiksikan
Nagtitiis sa munting barung-barong na sira-sira
Habang doon sa isang mansyon halos walang nakatira

Sa init ng tabla't karton sila doo'y nakakulong
Sa lilim ng yerong kalawang at mga sirang gulong
Pinagtagpi-tagping basurang pinatungan ng bato
Hindi ko maintindihan bakit ang tawag sa ganito
Ay bahay

Sinulat ko ang nakita ng aking mga mata
Ang kanilang kalagayan ginawan ko ng kanta
Iginuhit at isinalarawan ang naramdaman
At sinangguni ko sa mga taong marami ang alam

Isang bantog na senador ang unang nilapitan ko
At dalubhasang propesor ng malaking kolehiyo
Ang pinagpala sa mundo, ang dyaryo at ang pulitiko
Lahat sila'y nagkasundo na ang tawag sa ganito
Ay bahay

Maghapo't magdamag silang kakayod, kakahig
Pagdaka'y tutukang nakaupo lang sa sahig
Sa papag na gutay-gutay, pipiliting hihimlay
Di hamak na mainam pa ang pahingahan ng mayayamang patay

Baka naman isang araw kayo doon ay maligaw
Mahipo n'yo at marinig at maamoy at matanaw
Hindi ako nangungutya, kayo na rin ang magpasya
Sa palagay ninyo kaya, ito sa mata ng Maylikha
Ay bahay

No comments: